TELCO INDUSTRY | NTC, handa nang pumili ng 3rd telco company bukas

Manila, Philippines – Handang-handa na ang National Telecommunications Commission (NTC) sa tapat na pagpili ng gobyerno sa ikatlong telco company sa bukas, November 7.

Kasabay nito ay ibinida ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba ang naganap na mock bidding kung saan siniguro nila ang kaalaman ng selection committee, technical working group at secretariat sa pag-proseso sa dokumento ng mga kompanyang magsusumite ng bid hanggang bukas.

Tiniyak din ng komisyon na mahigpit ang seguridad na kanilang ipapatupad sa araw ng selection dahil sa presensya ng mga pulis at bomb sniffing dog.


Ipinaliwanag naman ni Information and Communications Technology acting Secretary Eliseo Rio Jr. na dadaan sa masusing document verification phase ang mga bidder.

Sa ilalim ng NTC Memorandum Circular no. 09-09-2018, kailangang pumasa sa highest committed level of service ang mapipiling kompanya.

Ibig sabihin, pagandahan ng serbisyo ang mga bidder gayundin ay dapat pumasa ito sa panuntunan ng HCLOS.

Facebook Comments