TELCO INDUSTRY | NTC, nagsagawa ng public hearing hinggil sa magiging patakaran sa pagpili ng 3rd telco

Manila, Philippines – Nagsagawa ang National Telecommunications Commission (NTC) ng unang public hearing hinggil sa rules and regulations para sa pagpili ng bagong major player sa public telecommunications market.

Ayon sa NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, ang pagdinig ay dinaluhan ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno, telecommunications experts at legal representatives ng mga kumpanyang interesadong mag-bid.

Binalangkas din ni Philippine Competition Commissioner Johanees Benjamin Bernabe ang rekomendasyon ng NTC para sa draft directive.


Ang public hearing ay ikalawa sa seven-step process kabilang ang pagsusumite ng position papers, finalization, publication, effectivity ng final directive at ang bidding process.

Facebook Comments