Manila, Philippines – Nagsagawa ng pangatlong consultation meeting ang Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa pagpasok ng ikatlong major telecommunication player.
Dito inilatag ang dalawang draft ng term of reference para sa pagkuha ng bagong telco sa pamamagitan ng committed level of service at auction.
Sa ilaim ng committed level of service, dapat ay may P10 billion minimum capital ang papasok na telco habang sa auction ay magsasagawa ng bidding na magsisimula sa minimum bid na P6.28 billion.
Ayon kay National Telecommunications Commission (NTC) Chief Gamaliel Cordova, walang ilalabas na pera ang gobyerno sa pagpasok ng mga bagong player upang hindi magkakaroon ng katiwalian dahil walang mapapaboran.
Aminado naman ni DICT Secretary Eliseo Rio na minamadali nila ang pagpasok ng third player dahil kinukulit na rin sila dito ni Pangulong Rodrigo Duterte.