TELCO INDUSTRY | Petisyon kontra sa pagpasok ng 3rd telco player, ipinababasura ng OSG

Manila, Philippines – Hiniling ng Office of the Solicitor General (OSG) sa korte sa Maynila na ibasura ang petisyon na humaharang sa proseso ng pagpili ng gobyerno ng ikatlong telecommunications company na mag-o-operate sa bansa.

Ito ay sa pamamagitan ng 32-pahinang memorandum na inihain ng OSG para sa National Telecommunications Commission (NTC) sa Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 42.

Partikular na ipinababasura ng gobyerno ang petisyong inihain ng NOW Telecom Co. Inc na humihiling na magpalabas ang korte ng injunction order.


Ayon kay Solicitor General Jose Calida, hindi maaring pigilan ng korte ang proseso ng pagpili dahil ito ay ipinagbabawal sa ilalim ng Republic Act 8975.

Lumabag din aniya ang petitioner sa prinsipyo ng non-forum shopping at bigo ring dumaan sa administrative remedies.

Target ng gobyeno na makapili na ng ikatlong telco player bago matapos ang taon.

Facebook Comments