TELCO INDUSTRY | Selection process para sa third telco, pinamamadali na ng DICT

Manila, Philippines – Pinabibilis na ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang selection process o pagpili sa ikatlong telecom player sa bansa.

Ayon kay DICT acting Secretary Eliseo Rio, hindi na maaring ma-delay ang ikatlong telco lalo at direktiba ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang mga potential bidders at telco stakeholders ang pumabor sa isinusulong ng DICT na Highest Committed Level of Service (HCLOS) Terms of Reference (TOR) sa auction bilang paraan ng pagpili ng New Major Player (NMP).


Nagsagawa rin ng consultation o market strategy para mapakinggan ang feedback ng mga stakeholders at maisapinal ang diskusyon ng mga miyembro ng NMP oversight committee kung alin sa dalawang draft ng TOR ang gagamitin sa pagpili ng ikatlong telco.

Tutukuyin ng HCLOS ang national population coverage, minimum average broadband speed at annual capital and operational expenditures bilang basehan sa selection process.

Facebook Comments