Manila, Philippines – Rerebisahin muli ng oversight committee ng gobyerno ang Terms of Reference (TOR) sa pagpili ng ikatlong telecommunications player sa bansa.
Ayon kay Department of Information and Communications Technology (DICT) OIC Eliseo Rio, apat na isyu ang kailangan pang resolbahin kabilang na rito ang concern sa frequency spectrum, pagtatatag ng common tower policy; commercialization ng National Grid Corporation of the Philippines – Transco Dark Fiber at ang pagpapababa ng interconnection rates.
Ani rio, kapag naresolba ang apat na isyu ay maari nang rebisahin ang TOR.
Ang komite ay binubuo ng DICT, Department of Finance (DOF), the office of the executive secretary at ang national security adviser.
Facebook Comments