Inireklamo sa National Telecommunications company ang diumano ay panlilinlang ng Globe telephone company gamit ang unlimited calls promo.
Batay sa complaints affidavit ng negosyanteng si Allan Rivera Inton sa NTC-Consumers Welfare Division, nauwi sa pagbabayad ng mahigit walong libong piso ang dapat sana ay walang bayad na pagtawag sa globe to globe cellphone numbers.
Sabi ni Inton, panloloko ginagawang ito ng mga telcos sa ngayon dahil hindi benepisyo kundi perwisyo ang makukuha ng isang subscriber kung magsi-shift ito sa post paid mula sa prepaid na gaya ng gamit na pang-engganyo sa kanya ng kumpanya.
Bagama’t nabayaran na ni inton ang kanyang bill pero ito aniya ay under protest dahil gusto lamang niyang maturuan ng leksyon ang mga mapagsamantalang telcos.
Aminado ang NTC na marami na silang natatanggap na kahalintulad na reklamo kayat hinihikayat nila ang publiko na maghain ng written complaints para dito.
Ayon kay NTC Consumers Welfare Division Officer Rosemarie Arceo, mas pinadali na ngayon ng ahensya ang pag-aksyon at filing of complaints laban sa mga telcos dahil kahit sa pamamagitan lamang ng email ay maari nang maghain ng reklamo.