Manila, Philippines – Pinakokomento ng Korte Suprema ang gobyerno hinggil sa petisyon ng nadiskwalipikang bidder na kumukwestyon sa pagkahirang ng Mislatel bilang ikatlong telcom player ng bansa.
Base sa resolusyon, inaatasan ang National Telecommunications Commission (NTC) na maghain ng komento nito sa petisyong inihain ng kumpanyang PT&T.
Binibigyan ng 10 araw ng Kataas-Taasang Hukuman ang respondent na makapagbigay ng tugon.
Matatandaang naghain ng petisyon ang PT&T sa Korte Suprema matapos itong madiskwalipika ng NTC sa bidding process noong November 07.
Facebook Comments