Telco service, naibalik na sa Catanduanes

Naibalik na ng local telecommunication companies ang kanilang serbisyo sa Catanduanes, na isa sa mga matinding napuruhan ng Bagyong Rolly.

Sa magkakahiwalay na advisories, sinabi ng PLDT at Globe Telecom na maaari nang ma-avail ng mga subscribers ang call at text services.

Ang Smart ay naglatag ng libreng call at charging areas sa Aurora, Bataan, Batangas, Bulacan, Camarines Sur, Marinduque, Pampanga, Sorsogon, Tarlac, at Zambales.


Ang Globe naman ay mayroong call at text services sa San Andres, at naibalik na rin ang LTE services at internet browsing sa Virac, Catanduanes.

Fully Operational na rin ang cell sites ng Globe sa dalawang lugar at anim na bayan sa Camarines Sur.

Balik-operasyon na rin ang mga serbisyo ng Globe sa mga bayan ng Bombon, Bula, Cabusao, Calabanga, Del Gallego at Lupi.

Facebook Comments