Telco subscribers, pwede nang lumipat ng network kahit hindi nagpapalit ng mobile number simula Sept. 30

Aabot sa isang milyong subscribers ang inaasahang mag-a-avail ng porting services.

Ang Smart Communications, Globe Telecom at Dito Telecommunity ay bumuo ng joint venture firm na Telecommunications Connectivity Inc. (TCI) para ipatupad ang Republic Act No. 11202 o Mobile Number Portability (MNP) na magsisimula sa September 30, 2021.

Sa ilalim nito, pwede nang magpalit ng network ang isang subscriber na hindi nagbabago ng mobile number.


Pwede ring magpalit ng subscription mula postpaid patungong prepaid o vice versa.

Ayon kay TCI General Manager Melanie Manuel, tinatayang nasa 30% ng subscribers ang gagamit ng porting service.

Nasa 120 milyong piso ang ininvest ng tatlong telco para itatag ang interoperability para sa porting in at porting out service.

Ang MNP ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Pebrero 2019.

Facebook Comments