Telcos at internet service providers, binalaan ng DOJ kapag hindi makikipagtulungan sa giyera laban sa child exploitation

Maaaring makasuhan bilang kasabwat ng child predators ang telecommunication companies at Internet Service Providers (ISPs) na hindi makikipagtulungan sa giyera laban sa Online Sexual Exploitation of Children (OSEC).

Inihayag ito ni Justice Sec. Crispin Remulla kaugnay ng plano nilang hingin ang tulong ng telecommunication companies at ISPs sa giyera nito laban sa OSEC.

Sinabi ni Remulla na susulat sila sa ISPs at telcos para hingin ang kooperasyon para ma-filter ang mga site na ginagamit sa child pornography at iba pang online exploitation sa mga bata.


Bibigyan din ng ultimatum ng Department of Justice (DOJ) ang ISPs para makatugon.

Bukod sa telcos at ISPs, makikipag-ugnayan din ang gobyerno sa social networking sites.

Maglulunsad ang pamahalaan ng hotlines para tumanggap ng sumbong sa mga nasabing kaso at bibigyan ng proteksyon ang mga testigo.

Facebook Comments