Telcos, dapat mag-warning sa publiko hinggil sa text scam na nag-aalok ng trabaho

Sa harap ng pagdami ng reklamo hinggil sa text scam na nag-aalok ng trabaho, inatasan na ng National Telecommunications Commission (NTC) ang telcos na magpadala ng text blast sa kanilang subscribers para mag-warning sa text spam.

Sa panayam sa Maynila, partikular na inatasan ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba ang Digitel Mobile Philippines, Globe Telecoms, DITO Telecommunity, at Smart Communications na magpadala ng text blast sa subscribers.

Pinagsusumite rin ng komisyon ang telcos ng ng report of compliance bago sumapit ang December 14.


Ginawa ng NTC ang direktiba makaraang libo-libong users ang nagbahagi ng text messages o emails tungkol sa alok na trabaho na ayon sa mga otoridad ay isang scam.

Facebook Comments