MANILA – Binisto ni Sen. Francis “Chiz” Escudero na sadyang binabagalan ng mga Telecommunication Companies o TelCos ang Internet sa bansa.Ito aniya ay upang patuloy na magkamal sila ng malaking kita mula sa tradisyunal na text messaging at tawag.Dahil dito ay iginiit ni Escudero sa pamahalaan na pangunahan na ang pamumuhunan sa imprastraktura at teknolohiya, at huwag nang umasa sa mga kumpanya ng telekomunikasyon para maghatid ng mabilis na Internet.Mungkahi pa ni Escudero, makabubuting gawing sabay ang paglalatag ng fiber optic cables kasabay ng pagpapagawa ng mga lansangan upang mapabilis ang Internet sa bansa.Ipinaalala pa ni Escudero, isa nang karapatang-pantao ang pagkakaroon ng pagkakataong mag-Internet.
Facebook Comments