Inatasan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga telecommunications company na magtalaga ng Libreng Tawag at free charging stations sa mga lugar na naapektuhan ng malakas na lindol.
Sa memorandum ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, inatasan nito si Director Mildado Lee ng NTC Cordillera Administrative Region na i-monitor at tiyaking susunod ang mga telco sa kautusan.
“As earlier discussed, you are hereby directed to deploy Libreng Tawag and Libreng Charging Stations in strategic areas affected by the earthquake in Abra,” ayon sa memorandum.
Inatasan ang mga telco na magsumite ng kaniyang compliance report sa NTC hanggang sa August 10.
Dahil sa malakas na pagyanig, may mga lugar na nakaranas ng pagawala ng serbisyo ng kuryente.