Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang ika-limang State of the Nation Address (SONA) ang mga telecommunication company sa bansa.
Ayon sa Pangulo, maaaring kumpiskahin ng pamahalaan ang mga airwave at linya ng mga ito kung hindi nila mapapagbuti ang kanilang serbisyo hanggang December.
Partikular na pinatamaan ng pangulo ang Smart at Globe na tila nilalaro umano at pinagkakakitaan lamang ang mga mamamayan.
Sinabi rin ng Pangulo na maging siya ay biktima ng palpak na serbisyo ng mga Telco.
Tiniyak din ng Pangulo na sa dalawang taong nalalabi sa kanyang administrasyon, kasama ang sistemang komunikasyon na kaniyang pagtutuunan ng pansin.
Maliban dito, inutusan din ng Pangulo ang mga ito na maghanap ng kapital para mapaganda ang serbisyo ng mga ito.