Tumugon ang telecommunication companies sa panawagan ng Malacañang na magbigay ng updates ukol sa pagpapabuti ng kanilang serbisyo.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, lahat sila ay nagbigay ng paliwanag hinggil sa ilang aberya at problema sa kanilang serbisyo.
Dagdag pa ni Roque, ang mga kinatawan ng tatlong players: Smart; Globe; at DITO Telecommunity maging ang National Telecommunications Commission ay makakasama niya sa briefing sa susunod na linggo.
Matatandaang nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na ipapasara ang Smart at Globe kapag nabigo silang pagandahin ang kanilang serbisyo ngayong buwan.
Facebook Comments