Telebisyon, nananatiling epektibong medium para maabot ang mga Pilipino – PSA

Nananating epektibong paraan para maabot ang mga Pilipino ang telebisyon kumpara sa iba pang mass media.

Batay sa resulta ng 2019 Function Literacy, Education and Mass Media Survey (FLEMMS), binanggit ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang 10 hanggang 64 years old age group ay tipikal na nanonood ng telebisyon, may exposure rate na 96% na pinakamataas sa anumang mass medium.

Sa depinisyon ng PSA, ang exposure ay ang paggamit ng mass media sa loob ng kahit isang linggo.


Sumunod ang radyo na may 75.2%, social media (73.9%), magazines (73.2%), poster (69.1%), meetings (67.5%), movies 65.9%, email at internet research 63.6% at diyaryo 63.3%.

Mataas ang viewing rate ng TV sa urban areas na may 97.3%, kumpara sa rural areas na may 94.4%.

Ang Metro Manila ang may pinakamataas na proportion ng mga residenteng gumagamit ng internet para sa research o trabaho (82.4%), maging ang social media (90%).

Ang age bracket ng mga gumagamit ng internet ay sa pagitan ng 15 hanggang 24.

Nasa 96.1% ng Filipino households ang mayroong kahit isang ICT device.

Sinabi ni Asian Institute of Journalism and Communication President-on-Leave Ramon Tuazon, inaasahan na ang pagkakaroon ng kaibahan sa urban at rural areas dahil sa access sa online resources.

Posibleng may access ang mga consumers sa online content sa pamamagitan ng TV o tinatawag na “over-the-top” media services.

Inaasahang mas magkakaroon pa ng exposure ang mga Pilipino sa internet sa susunod na dalawang taon o higit pa dahil na rin sa distance learning at pandemya.

Facebook Comments