TELECOM INDUSTRY | Oversight committee, binuo ng Pangulo para asikasuhin ang pagpasok ng 3rd player sa telecommunication industry

Manila, Philippines – Bumuo si Pangulong Rodrigo Duterte ng isang oversight committee na siyang gagabay sa pagpasok ng 3rd major player sa bansa sa industriya ng telekomunikasyon.

Sa bisa ng administrative order number 11 na nilagdaan ng Pangulo noong April 6 ay inaatasan ng Pangulo ang Department of Information and Communications Technology o DICT na pangunahan ang nasabing oversight committee kung saan tatayo namang Vice Chairperson ang kinatawan mula sa Department of Finance habang magsisilbing mga miyembro ang mga kinatawan mula sa office of the Executive Secretary at National Security Adviser.

Base sa nasabing kautusan ay tutulungan ng nasabing komite ang National telecommunications Commission sa pagbalangkas ng Terms of Reference o TOR para sa pagpili ng radio frequencies para maing maayos ang proyekto.


Inatasan din ito na tiyakin na nasusunod ang lahat ng panuntunan ng NTC sa pagbuo ng nasabing TOR at tiyakin na masusunod ang inilatag na timeline ng NTC at DICT sa pagpasok ng bagong telecom company.

Facebook Comments