TELECOM SERVICES | Iba pang foreign telcom companies, naghayag ng interes na mag-invest sa Pilipinas

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacanang na nadagdagan pa ang International Telecommunication Companies na gustong mag-invest sa Pilipinas.

Ito ay matapos buksan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China ang pagiging 3rd player sa telecommunication sa bansa.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, iniulat ng Department of Information and Communications Technology OIC, Eliseo Rio kay Pangulong Duterte na nagpahiwatig ng interes ang PT&T company na makilahok sa telecommunication services.


Matatandaan na una nang lumutang na ang China telecom ang nakahandang maglagak ng puhunan sa bansa na inaasahang babasag sa Duopoly ng Globe at ng Smart.

Minamadali na aniya ngayon ng DICT ang mga dapat gawin para mabilis na maipasok sa bansa ang mga 3rd players na siyang magbibigay aniya ng magandang communication services dahil sa palpak na serbisyo ng kasalukyang telcom companies sa bansa.

Facebook Comments