Telecommunication company, hinikayat na mag-bisikleta papasok sa trabaho ang mga empleyado at stakeholders

Para makabawas sa polusyon sa lansangan, hinihikayat ng isang telecommunication company ang kanilang mga empleyado at stakeholders na mag-bisikleta na lang pagpasok sa trabaho.

Kamakailan, inilunsad ng Globe Telecom ang bike-2-Globe program.
Sa pakikipag-ugnayan sa national bike organization, nagsagawa ng road and safety tips forum ang kumpanya para sa kanilang mga empleyado para masigurong ligtas ang kanilang pagbiyahe.

At para ma-engganyo ang mas nakararami na magbisikleta, namahagi pa ng e-bikes ang Globe Telecom.


Sa pamamagitan ng alternatibong paraan na ito, inaasahang mababawasan ang carbon dioxide na ating nalalahanghap.

Malaking tulong rin ito para malimitahan hindi lamang ang air pollution, kundi gayundin ang noise pollution.

Facebook Comments