Telemedicine, dadalhin sa Bicol Region at Luzon para tumulong sa mga residenteng nalubog sa baha dahil sa Bagyong Ulysses

Dadalhin na rin sa Cagayan at Isabela ang high technology na telemedicine para tulungan ang mga residente na apektado ng malawakang pagbaha dahil sa paghagupit ng Bagyong Ulysses.

Ayon kay Philippine Medical Association (PMA) President Dr. Benito Atienza, pinagsanib na nila ngayon ang kanilang free online telemedicine service at ang kanilang humanitarian operations na “Doctors on Boats” upang mas maraming bilang ng mga flood victims ang kanilang maserbisyuhan.

Dagdag pa ni Dr. Atienza, nasa isang daang mga private medical doctors ang kasama nilang magkakaloob ng intensive health, emergency at relief operations sa Cagayan at Isabela.


Sa pamamagitan ng high tech telemedicine, mapapabilis ang konsultasyon at agad na makapagbigay ng tugon sa mga karamdaman ng mga apektadong residente.

Kabilang sa mga serbisyong medikal na ipagkakaloob ay ang online medical consultations at medical at psychosocial services.

Mamimigay rin sila ng mga relief goods.

Una nang nagtungo ang ” Doctors on Boat” sa Bicol Region at Marikina para sa katulad na mercy mission.

Facebook Comments