Telemedicine facility pasisinayaan at ang Park N’ Test, magda-dry run sa Taguig City

Inihayag ng pamunuan ng Taguig City Government na gumagawa sila ng paraan upang madaling makarating sa publiko ang kanilang mga serbisyo sa pamamagitan ng pagpapalawig pa ng kanilang kasalukuyang programa at proyekto na gagawin sa Vista Mall Parking Building, sa Brgy. Tuktukan, Taguig City.

Inaasahan na dadaluhan ni Taguig City Mayor Lino Cayetano ang naturang karagdagang inisiyatibo na sabay-sabay na gagawin ang okasyon ang pagpapasinaya ng telemedicine facility at Park N’ Test dry run na maaring magpapa-PCR test ang mga walk-in tuwing Lunes at pupwedeng iparada ang kanilang mga sasakyan sa Vista Mall Parking Building.

Ang pagpapasinaya ng telemedicine facility ay may kinalaman sa pagpapalawig pa ng Taguig’s telemedicine hotlines kasama ang karagdagang command center sa Taguig Pateros District Hospital na maaaring mag-accommodate ng mga nais na magpakonsulta at nangangailangan ng medical specialists at professionals gaya ng obstetricians at gynecologists, dentists, at iba pa na maaaring kontakin ng mamamayan para sa kanilang pangangailangang medikal at konsultasyon.


Tinitiyak ng Taguig City Government na ang kanilang mga proyekto at programa ay madaling maipaaabot sa kanilang mga nasasakupan lalo na ngayong panahon ng pandemya kung saan ang kaligtasan at seguridad ang pangunahing pinaprayoridad ng lungsod.

Facebook Comments