Telemedicine, inilunsad ng Taguig City Government

Inilunsad ng Taguig City Government ang “Telemedicine.”

Gamit lamang ang cellphone, pwede nang sumangguni ang mga residente sa doktor na hindi nagtutungo sa ospital o health center.

Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano, mapoprotektahan nito hindi lang ang mga residente kundi maging mga health workers.


Ang mga gamot naman ay ipapadala mismo sa tahanan ng nagpakonsultang residente.

Dagdag pa ng alkalde na layunin din ng programang ito na matiyak na makakasunod sa home quarantine ang mga residente at maiwasan ang pakikihalubilo sa maraming tao.

Ang mga residente ay maaari aniyang tumawag sa itinakdang Telemed contact number sa kanilang barangay mula 8am hanggang 5pm.

Para naman sa kaligtasan ng lahat, ang pasyente ay kailangang maglagay ng bangko o upuan sa harap ng bahay kung saan ipapatong ng health worker ang gamot na idedeliver.

Tiniyak naman ng alkalde na maging ang iba pang serbisyong medikal para sa mga Taguigeño ay tuloy parin kahit may community quarantine.

Facebook Comments