Televised address ni Pangulong Rodrigo Duterte, i-eere ngayong umaga

Nakatakdang I-ere ngayong umaga ang televised address ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos itong ipagpaliban kagabi.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nakipagpulong kagabi ang pangulo sa mga miyembro ng inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at tinalakay kung palalawigin ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila at iba pang high risk areas.

Ang public address ng Pangulo ay ilalabas mamayang alas-8:00 ng umaga.


Sinabi ni Roque na ang pinagbabasehan ng pamahalaan para sa pagbawi o pagpapalawig ng lockdown ay kapasidad ng healthcare systems, transmission rate ng COVID-19 at ang ekonomiya.

Nagbabala rin si Roque na mananatili ang banta ng virus kahit ibinaba na sa General Community Quarantine (GCQ) ang isang lugar.

Nabatid na ang ECQ ay pinalawig hanggang May 15 sa Metro Manila, Central Luzon (maliban sa Aurora), CALABARZON, Pangasinan, Benguet, Albay, Bacolod City, Iloilo Province (kasama ang Iloilo City), Cebu Province (kasama ang Cebu City), Zamboanga City at Davao City.

Facebook Comments