Television network na CNN Philippines, pansamantala munang titigil sa pag-ere

PHOTO BY CNN PHILIPPINES

Pansamantala munang ititigil ng television network na CNN Philippines ang kanilang operasyon.

Ito ay matapos magpositibo sa Coronavirus Disease (COVID-19) ang isang empleyado na nagtatrabaho sa loob ng Worldwide Corporate Center kung saan nandoon din ang opisina ng network.

Bunsod nito, inanunsiyo ng pamunuan ng gusali na magsasagawa muna sila ng disinfection bilang pag-iingat at upang hindi na mahawa pa ang ibang mga empleyado dito.


Samantala, ayon sa CNN Philippines, posibleng tumagal ng isang araw ang kanilang pagkawala sa ere.

Sa ngayon ay aabot na sa 187 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa habang 14 naman dito ang nasawi.

Facebook Comments