“Tell-all affidavit” ng mag-asawang Discaya, hindi na hihintayin pa ng DOJ

Hindi na hihintayin pa ng Department of Justice (DOJ) ang “tell-all affidavit” ng mag-asawang contractor na sina Sarah at Curlee Discaya.

Ito’y para makapagsampa ng mga kaukulang reklamo ang DOJ laban sa mga sangkot sa maanomalyang flood control projects.

Ayon kay DOJ officer-in-charge (OIC) Fredderick Vida, wala pang naisusumite ang Discaya couple ng “tell-all affidavit” na umano’y naglalaman ng mga detalye tungkol sa korapsyon at sa umano’y maanomalyang flood control projects.

Hindi pa rin umano sila kuntento sa testimonya ng mga ito kahit pa ilang beses na nagtungo ang mag-asawang Discaya sa DOJ.

Dagdag pa ni Vida, hindi na rin nila hihintayin ang “tell-all affidavit” kahit pa ang mga dating opisyal ng DPWH bago magsampa ng kaso sa mga susunod na linggo.

Una nang kinumpirma ng DOJ na provisionally accepted na sa witness protection program (WPP) ang mag-asawang Discaya kasama ang dating opisyal ng DPWH, pero patuloy pa ang pagsusuri para sa kanilang posibleng pagsasailalim bilang state witness.

Patuloy umano nilang pinag-aaralan ngayonkung ang mga pahayag ng mag-asawang Discaya at iba pa ay buo o pili lamang ang kanilang mga pinapangalanan.

Facebook Comments