Hindi na ang Teller Services ng Department of Trade and Industry o DTI ang magrerehistro ng business name ng mga negosyante o aplikante.
Napagkasunduan ito sa isinagawang pagpupulong kahapon nina DTI Secretary Alfredo Pascual, Business Name Registration Division o BNRD, Digital Philippines at iba pa.
Ayon kay Pascual simula sa Agosto gagawin nang online ang registration ng business name at mismong aplikante ang gagawa nito kaya hinihikayat nito ang mga aplikante na aralin ang pag-a-apply online.
Aalisin na kasi ang Business Name Teller Services para sa walk in clients at ia-assign na ang mga business processors sa Business Counselling at iba pang trabaho.
Hindi na sila ang maglalagay ng detalye ng aplikasyon ng kliyente, tutulong lang aniya sila kung hihiling ang applicant.
Tiniyak naman ni Pascual na may internet connection sa lahat ng Negosyo Centers at DTI Offices at libreng magagamit ang mga computer para sa mga walk in applicants.