Bumagsak na ang temperatura o nararanasang lamig ng panahon sa ilang lugar sa bansa dahil sa epekto ng Northeast Monsoon o Hanging Amihan.
Partikular na apektado ng malamig na panahon ang Cordillera.
Batay sa datos ng PAGASA Agrometeorological Station sa La Trinidad, naitala ang 12.1 degree celsius ngayong araw sa Benguet habang aabot naman sa 12.9 degree celsius ang temperatura sa Baguio City.
Ito na ang pinakamababang temperatura sa nasabing mga lugar ngayong Enero.
Nasa 22.4 degree celsius naman ang temperatura sa Metro Manila na naitala sa Science Garden sa Quezon City.
Naitala ang all-time coldest temperature sa buong bansa noong January 18, 1961 matapos na pumalo lang sa 6.3 degree celsius ang naranasan sa Baguio City.
Facebook Comments