Naitala ngayong linggo ang pinakamalamig na temperatura sa Metro Manila ngayong taon sa gitna ng pag-iral ng Amihan season.
Ayon sa PAGASA monitoring, bumaba sa 20.2°C ang temperature sa Science Garden, Quezon City kaninang 6:30 a.m.
Bukod sa Kalakhang Maynila, malamig na panahon din ang naranasan sa ngayong araw sa Baguio City na nasa 12.8°C at 14.4°C sa La Trinidad.
Inaasahang magpapatuloy ang pag-iral ng Amihan hanggang sa mga susunod na linggo.
Facebook Comments