TEMPERATURA SA NORTHERN LUZON, POSIBLENG BUMABA PA SA 16-20℃ HANGGANG PEBRERO- PAGASA DAGUPAN

May mas ilalamig pa ang nararamdamang klima sa Pangasinan at malaking bahagi ng Northern Luzon sa mga susunod na araw dahil sa pagbaba pa ng naitatalang temperatura ayon sa PAGASA Dagupan.

Ayon sa tanggapan, pinalalakas ng hanging dulot ng northeast monsoon o amihan ang malamig na panahon sa Luzon, lalo na sa Pangasinan. Babala ng ahensya, maaaring magpatuloy ang ganitong klima hanggang Pebrero.

Nitong Biyernes, Enero 23, nakapagtala ng 21.4°C na temperatura bandang alas singko ng madaling araw, na naranasan ng ilang Pangasinense.

Abiso ng Pamahalaang Panlungsod, paghandaan pa ang mas malamig na panahon ngayong weekend, hanggang Enero 25, dahil sa posible pang pagbaba sa 16 hanggang 20 degrees Celsius ang temperatura.

Samantala, paalala ng Dagupan City Health Office sa publiko na panatilihing mainit ang katawan, magsuot ng tamang kasuotan, at iwasan ang matataong lugar upang makaiwas sa mga sakit na pwedeng maglipana ngayong malamig ang panahon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments