Iniutos pa rin ni Zamboanga del Norte Gov. Roberto Y. Uy ang temporaryong pagban sa pagpasok ng mga buhay na mga baboy at mga produkto nito mula sa Luzon atiba pang mga lugar na apektado ng African Swine Ferver (ASF) ito’y sa kabila nginilabas na kautusan ng DILG na tanggalin na ang pork ban sa karneng baboy mulaLuzon.
Ito’y basesa kanyang ipinalabas na Executive Order No. 19-069 series of 2019 nanagbabawal sa pagpasok ng mga karneng baboy at iba pang mga produkto mula ditopati na ang “frozen bore semen”.
Kaugnay nito,binuo rin ang Zamboanga del Norte Task Force On Animal Disease na pinamumunuanmismo ng gubernador.
Inatasan niUy ang lahat ng mga local chief executives sa buong probinsya na higpitan angquarantine procedures sa mga pangunahing entry at exit points sa probinsya sapamamagitan ng pagpapatupad ng quarantine check points para masigurong safe sanaturang virus ang mga pumapasok na mga produkto ng baboy at kung ito ba aysumunod sa tamang veterinary quarantine requirement ng Bureau of AnimalIndustry (BAI).
Ang naturangkautusan ay epektibo kaagad hanggat may deklarasyon ang BAI na safe na ang mga alagang baboy mula sa naturang sakit. -30- (Mardy D. Libres)