Inalis na ng Commission on Higher Education (CHED) ang temporary ban nito sa pagsasagawa ng field trip ng mga pampubliko at pribadong higher education institution sa bansa.
Pebrero nang ipatupad ang moratorium kasunod ng road accident sa Tanay, Rizal na ikinasawi ng labintatlong estudyate.
Kaugnay nito, inatasan ng CHED ang lahat ng higher education institution na maglatag ng polisiya sa pagsasagawa ng off-campus activities bilang bahagi ng curriculum.
Samantala, mananatali namang ban ang pagsasagawa ng field trips sa basic education.
Sabi ng DepEd, tuloy ang moratorium sa pre-school, elementary at high school hangga’t hindi naisasapinal ang polisIya sa mga aktibidad sa labas ng mga paaralan.
Facebook Comments