Manila, Philippines – Ipinag-utos na ng Department of Tourism (DOT) ang kanilang central at foreign offices na itigil muna ang pagpo-promote sa isla ng Boracay.
Ayon sa DOT, hindi isasama ang Boracay sa promotional campaigns kasunod ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na isara ang isla sa loob ng anim na buwan.
Pinayuhan nito ang kanilang mga opisina na i-endorso ang iba pang sikat na destinasyon ng bansa.
Mahigpit ang ilalatag na seguridad para mapigilan ang mga tao na makalusot sa lugar habang isinasagawa ang rehabilitasyon.
Aabot sa 600 pulis at sundalo ang ikakalat sa isla katuwang ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG).
Facebook Comments