TEMPORARY CLOSURE | Grupong Pamalakaya at Kalikasan, ipinoprotesta sa DENR ang Boracay closure

Manila, Philippines – Dalawang araw bago isara ang isla ng Boracay, nangalampag sa harap ng tanggapan ng DENR ang grupong Pamalakaya at grupong Kalikasan.

Ayon sa grupo, biglaan at hindi dumaan sa comprehensive at scientific na rehabilitation plan ang anim na buwan na pagsasara sa pamosong isla.

Ayon kay Leon Dulce, national coordinator ng Kalikasan People’s Network, mas may plano na nakahanda para sa pagtatayo ng mga proyekto sa Boracay, pero wala pagdating sa 36,000 na manggagawa na mawawalan ng trabaho.


Tinukoy ng grupo ang ang Macau based casino na bagamat itinatanggi ng gobyerno ay lumilitaw na hindi pa inaalis ang provisional permit nito.

Sa panig ng Pamalakaya, sinabi nito na isang sell out ng natural resources ang balaking pag convert sa 23 hectares sa isla bilang casino.

Facebook Comments