TEMPORARY CLOSURE | Guidelines para sa pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga manggagawang apektado ng rehabilitasyon ng Boracay, inilabas na

Aklan – Nag-isyu na ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng guidelines para sa pagpapatupad ng Adjustment Measures Program (AMP) para sa formal sector workers na apektado ng rehabilitasyon ng Boracay.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, makakatanggap ang mga apektadong manggagawa ng tulong pinansyal ng higit sa 4,000 pesos kada buwan sa loob ng anim na buwan.

Katumbas aniya ito ng 50% ng umiiral na minimum wage sa rehiyon.


Ang retained workers na hindi nakakatanggap ng regular na sahod ay makakatanggap ng higit 2,000 pesos.

Bibigyan din ang mga apektadong manggagawa ng job opportunities na angkop sa kanilang qualifications sa pamamagitan ng job matching referral at placement services.

Facebook Comments