Manila, Philippines – Sa panahon ng anim na buwang closure ng Boracay Island, isasailalim sa review ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kasalukuyang master plan ng isla.
Ayon kay ng Environment Secretary Roy Cimatu, asahan na magkaroon na ng pagbabago sa existing Boracay master plan at posibleng isama sa papaunlarin ang mga kalapit na isla upang mapalakas ang tourism revenues sa Northern Aklan Region.
Binigyang halimbawa nito ang development ng Caticlan, Malay, Carabao island at maging ang lalawigan ng Romblon.
Aniya ang pag-update sa lumang Boracay master plan ay bahagi ng ‘first aid’ measures na ipapatupad ng DENR upang masolusyunan ang problema sa tanyag na isla sa buong mundo.
Bukod dito susuriin din ng DENR at ng inter agency task force ang mga programa ng turismo sa Boracay Island at para makapagbalangkas ng mga bagong atraksyon.