Boracay – Apektado ng anim na buwang total closure ang lahat ng establisyemento sa Boracay kahit pa ang mga may Environmental Compliance Certificate.
Sa interview ng RMN kay Department of Tourism Secretary Wanda Teo, ang derektiba ni Pangulong Rodrigo Duterte ay ipagbawal ang local at foreign tourist sa isla at i-shutdown ang lahat ng istraktura kahit pa ang mga ito ay compliant.
Ayon kay Teo, aabot sa siyam na daang establisyimento na nasa 30-meter shoreline ang nakatakdang gibain.
Desisyon naman aniya ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kung iba-blacklist o hindi ang mga lumabag sa batas.
Sa pagsasara ng Boracay, aabot sa 56 billion pesos na kita ang mawawala habang nasa 36,000 ang mawawalan ng trabaho.
Pero, sinabi ng DOT Secretary na inaasahang idedeklara ni Pangulong Duterte ang state of calamity sa lugar para sa pagpapabilis ng rehabilitasyon ng Boracay.