Manila, Philippines – Pumayag ang mga hotel at airline company na huwag nang maningil ng rebooking at cancellation fee kasunod ng pagsasara ng isla ng Boracay.
Ayon kay Tourism Secretary Wanda Teo, nakausap na niya ang mga airline at hotel companies na ibabalik nila ng buo ang ibinayad ng mga turistang hihingi ng refund.
Bagama’t wala nang papapasuking turista sa Boracay mula Abril 26, sinabi ni Teo na papatapusin naman nila sa mga turistang naroon na ang kanilang bakasyon.
Tiniyak naman ni Teo na mabibigyan ng pera at trabaho ang mga apektadong manggagawa sa isla.
Facebook Comments