Manila, Philippines – Tiniyak ng Palasyo ng Malacanang na mabibigyan ng ayuda ng Pamahalaan ang mga manggagawang posibleng maapektuhan ng posibleng pagsasara ng Boracay Island.
Ayon kay Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra, kikilos ang Department of Social Welfare and Development pati na ang Department of Labor and Employment para ayudahan ang mga manggagawa sa Boracay sa oras na magdesisyon si Pangulong Rodrigo Duterte na ipasara ang isla.
Pero sa ngayon naman aniya ay wala pang desisyon ang Pangulo sa nasabing issue.
Nakapagbigay narin naman aniya ang Department of Environment and Natural Resources at ang Department of Interior and Local Government ng comprehensibong basehan ng kanilang rekomendasyon na ipasara ang Boracay ng 6 na buwan.
Tiniyak naman ni Guevarra na babalansehin ni Pangulong Duterte ang kanyang magiging desisyon para maging kapakipakinabang sa lahat ang mga magiging hakbang ng Pamahalaan.