Manila, Philippines – Nagsumite ng report sa executive department ang National Economic and Development Authority (NEDA) hinggil sa posibleng epekto sa ekonomiya ng pagpapasara ng isla ng Boracay.
Ayon kay NEDA Policy and Planning Undersecretary Rosemarie Edillon, hindi naman makakaapekto ng malaki sa ekonomiya ang pagpapasara ng isla kundi sa kabuhayan ng mga tao.
Gayunman, pabor naman aniya ang NEDA sa gagawing rehabilitasyon sa Boracay pero mainam na gawin ito sa lean months o sa mga buwang matumal ang turista.
Maliban rito, nais rin ng NEDA na isama sa clean up drive ang mga mawawalan ng hanapbuhay.
Facebook Comments