Boracay – Inilatag na ng Philippine National Police ang kanilang security measures kaugnay ng 6-months closure ng Boracay islands, simula sa April 26.
Sa briefing ng Inter-Agency Task Force sa Aklan, inisa-isa ni Metro Boracay Police Task Force C/Supt. Cesar Binag ang kanilang inilatag na paghahanda kabilang na ang pagtatayo ng command post at action center sa jetty port.
Magkakaroon din aniya ng force multiplier na magbabantay sa isla.
Mahigpit din na ipapatupad ang I.D. system sa isla ng Boracay.
Sa pakikipag-ugnayan sa mga stakeholder at mahigit apat na libong kooperatiba sa isla, sinabi ni Binag na umapela ang mga residente partikular ang mga mangingisda kaugnay sa 15-kilometers mula sa dalampasigan.
Katuwang ng PNP sa pagbabantay sa Boracay habang pansamantala itong nakasara ang Armed Forces of the Philippines at Philippine Coast Guard.