Aklan – Isinara na ang isla ng Boracay para sa anim na buwang rehabilitasyon nito.
Nasa 630 pulis ang naka-deploy sa isla kasama ang 200 sundalo at iba pang law enforcers para sa pagbibigay seguridad sa Caticlan jetty port at buong isla.
Naka-stand by rin ang Philippine Coast Guard (PCG), PNP-Maritime Group at Philippine Navy para tumulong sa mga emergency situation at pagpapatrolya sa isla.
Giit ni Chief Superintendent Cesar Hawthorne Binag, director ng Western Visayas Police, mahigpit nang ipatutupad ang “one entry, one exit, no ID, no entry” sa mga residente at manggagawa sa Boracay.
Kasabay nito, nasa code white alert na rin ang lahat ng mga private at public hospitals at iba pang government health facilities sa Aklan para agad na makaresponde sa mga emergency.