TEMPORARY | Diosdado Peralta, itinalaga pansamantala bilang acting Chief Justice

821

Manila, Philippines – Itinalaga si Associate Justice Diosdado Peralta bilang acting Supreme Court Chief Justice.

Si Peralta ay ikalawa sa pinaka-senior na mahistrado, na pansamantalang pamumunuan ang kataas-taasang hukuman habang nasa leave of absence si Senior Associate Justice Antonio Carpio simula ngayong araw hanggang November 4.

Sina Carpio at Peralta ay kapwa nominado para sa top judicial post na binakante ni dating Chief Justice Teresita Leonardo-Decastro na nagretiro nitong October 10.

Ang tatlong iba pang nominado sa pagkapunongmahistrado ay sina Associate Justices Lucas Bersamin, Estela Perlas-Bernabe at Andres Reyes Jr.
Sa ngayon, ang SC justices ay naka-recess at magpapatuloy ang sesyon sa susunod na linggo.

Facebook Comments