“Temporary lockdown” sa ilang lugar sa Cavite dahil sa whooping cough, pinabulaanan

Pinabulaanan ng Cavite City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) na may kaso ng pertussis O whooping cough sa lungsod.

Sa anunsiyo sa social media, hinikayat ni CESU Head Zeffrey dela Rosa ang publiko na maging maingat laban sa pagpapakalat ng mga hindi beripikadong ulat.

Bago niyan, kumalat din online na magkakaroon umano ng “temporary lockdown” sa Tagaytay, Tanza, General Trias, Carmona and Cavite City dahil sa kaso ng pertussis.


Gumamit pa ang nasabing post ng logo ng Department of Health at ng provincial government ng Cavite.

Mula March 28, nasa ilalim ng state of calamity ang buong lalawigan dahil sa pagtaas ng kaso ng pertussis.

Facebook Comments