“TEMPORARY MEASURE” | Military takeover sa BOC, pansamantala lang

Manila, Philippines – Pansamantala lamang ang pangangasiwa ng AFP sa Bureau of Customs (BOC).

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, “temporary measure” lamang ito base sa direktiba ng Pangulong Duterte.

Nilinaw naman ni Guevarra hindi nito malalabag ang civilian supremacy rule dahil si Customs Commissioner Leonardo Guerrero ay isang sibilyan.


Ang BOC din aniya ay nasa ilalim ng Department of Finance (DOF) at ang finance department ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng Pangulo.

Facebook Comments