Temporary relief sa electric bill at disconnection ng kuryente sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Kristine, iniutos ni Pangulong Marcos sa ERC

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Energy Regulatory Commission na pag-aralan ang pagpataw ng moratorium sa paniningil at disconnection ng kuryente sa mga nasalantang lugar ng Bagyong Kristine

Partikular ang mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity.

Saklaw ng kautusan ang mga pagputol ng linya ng kuryente at koleksyon ng pagbabayad mula Oktubre hanggang Disyembre 2024.


Ayon sa pangulo, ang direktibang ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng gobyerno na tulungan ang mga biktima ng kalamidad.

Nabatid na maraming lugar sa Luzon ang lubog sa baha dahil sa nagdaang bagyo.

Facebook Comments