Isang bagong Temporary Shelter- Crisis Intervention Center (LTS-CIC) sa bayan ng Lingayen ang binuksan at pinasinayaan, kamakailan.
Ang naturang pasilidad ay magsisilbing temporary shelter para sa mga residente ng bayan lalo ang mga kabataan at kababaihan na siyang biktima ng pang-aabuso, pangmomolestya, mga batang inabandona at pinabayaan.
Layunin rin ng pagpapatayo nito ay ang makapagbigay ng Psycho-Social Care at Interventions kung saan mayroong rescue and proteksyon at agarang medical attention sa mga biktima ng kahit anong uri ng pang-aabuso.
Ang mga tulong na isasagawa para sa mga biktima na kailangan ng matinding serbisyong medical ay bibigyan ng atensyon sa tulong ng mga MSWD sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
Ayon sa alkalde ng bayan, maaari na umanong magamit ang naturang pasilidad na siyang kanilang proyekto at marami pa umanong mga nakalatag na plano na mapapakinabangan ng kanilang mga nasasakupan. |ifmnews
Facebook Comments