Marawi City – Tiniyak ni Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo na bibigyan nila ng temporary shelter ang mga evacuees na apektado ng nagpapatuloy na kaguluhan sa Marawi City.
Sa briefing sa Malacañang ay sinabi ni Taguiwalo na matagal na silang bumibili ng family size tents para sa bawat pamilyang apektado ng bakbakan.
Mas maganda aniya ito kaysa magsiksikan ang mga evacuees sa mga evacuation centers at para narin mas maging maayos ang kanilang kalagayan habang ginagawa ng pamahalaan ang kanilang mga tahanan na nasira ng kaguluhan.
Pero aminado din naman ang kalihim na natatagalan sila sa pagbili ng mga kinakailangang tent dahil nabigo ang bidding process pero sa ngayon naman aniya ay ginagawan na ito ng paraan ng DSWD.
Matatandaan na tiniyak ng Armed Forces of the Philippines na hindi nila iiwang sira-sira ang Marawi City at tutulong sila sa pagkumpini ng mga nasirang imprastratktura doon.
Una narin namang sinabi ng pamahalaan na 5% lamang ng mga evacuees ang nananatili sa mga evacuation centers at ang karamihan sa mga lumikas ay nakitira muna sa kanilang mga kamag-anak o kaibigan sa ibat-ibang bahagi ng bansa.