Temporary shut down ng mobile services sa lugar na pagdarausan ng Traslacion, hiniling ng NCRPO sa Smart at Globe

Inatasan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang dalawang Major Telecommunication Companies na patayin muna ang mobile services sa ilang lugar kasabay ng pagdaraos ng Traslacion ng itim na Nazareno.

Sa memo para sa Globe Telecom at Smart Communications, sinabi ni NCRPO Chief, Brig/Gen. Debold Sinas, hiniling sa mga kumpanya na patayin ang kanilang Telco Services simula alas-11:00 mamayang gabi hanggang alas-12:00 ng tanghali ng Biyernes (Jan. 10) sa ilang lugar.

Sa ngayon, wala pang tugon ang mga Telco.


Facebook Comments