Manila, Philippines – Handa na ang Inter Agency Task Force sa anim na buwang pagpapasara ng isla ng Boracay.
Ayon kay Tourism Public Affairs Communication Secretary Ricky Alegre, mahigit na tatlumpung libong establisyimento ang apektado ng pagpapasara.
Ang mga ito ay may mahigit limang libong manggagawa na mawawalan ng trabaho.
Kaya naman, magsasagawa ang TESDA at DOLE ay ng seminar upang mabigyan sila ng pansamantalang trabaho.
Ang multi sector workshop ay ikakasa sa darating na April 11 at 12 kung saan inaasahan na dadaluhan ng mahigit isang daang participants.
Aminado naman ang Inter Agency Task Force na hindi kakayanin ang anim na buwan closure para sa rehabilitasyon dahil marami pang gagawin at kulang pa umano ang panahon para tuluyang maibalik ang ganda ng Boracay.